Blog Archive

Friday, June 18, 2010

Sipi mula sa Kasunduan sa Maralitang Tagalungsod

Maaaring i-download ang buong kopya ng kasunduang pinirmahan ni Noynoy Aquino sa:

http://www.noynoy.ph/v3/downloads/covenant-tagalog.pdf

---

KASUNDUAN SA MARALITANG TAGALUNGSOD

Pinakamahalagang yaman ng ating bansa ang mga mamamayan nito. Bawat Filipino ay may karapatang matamo ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, ang disenteng pamantayan ng pamumuhay, at ang patas na oportunidad upang mapaunlad nang ganap ang kaniyang mga kakayahan. Sa modernong ekonomiya, bawat tao ay dapat maging produktibong mamamayang makapag-aambag sa abot ng kaniyang makakaya para sa pagpapalago ng bansa. Gayunman, ipinagkakait ng kahirapan sa maraming Filipino ang kanilang mga batayang pangangailangan at oportunidad para maiangat ang kabuhayan at makatulong sa pagtataguyod ng kabansaan. Pangunahing sanhi ang masamang pamamalakad at korupsiyon na pawang humahadlang sa kaunlaran at paglago. Bilang mga kandidato para sa serbisyo publiko, nangangako kami na magtatatag ng makatarungang lipunan para sa lahat ng Filipino. Mahigpit naming lilinisin ang ating pamahalaan mula sa anumang korupsiyon at ililihis ang mga nasinop na yaman sa pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng ating mga mamamayan, lalo na ang mga dukha at sawimpalad. Isasakatuparan namin ang mga likas-kayang solusyon sa pamamagitan ng mga patakarang isinailalim sa institusyon upang malabanan ang kahirapan at matugunan ang mga batayang pangangailangan, kabilang na ang pabahay, kalusugan, edukasyon, at trabaho para sa mga maralita, imbes na gumawa lamang ng mga panapal at hungkag na hakbang na pawang umiral noon at magpahangga ngayon.

Magtataya kami para makamit ang mga sumusunod na layunin at prinsipyo:

1. Walang pagpapatalsik kung walang disenteng relokasyon...

2. Maglaan ng suporta para sa pagpapahusay ng pook at paglilipat-tirahan sa loob ng lungsod...

3. Maghahatid ng mga batayang serbisyo na pakikinabangan ng mga maralitang komunidad...

4. Magkaroon ng pamahalaang makapagbibigay ng sapat na pabahay sa bawat Filipino at pangangalagaan ang kanilang mga karapatan sa pabahay...

5. Malawakang pagawaing-bayang programa na makalilikha ng maraming trabaho para sa mga dukhang mamamayan...

6. Pinalakas na kooperasyon sa mga pamahalaang lokal...

7. Tuloy-tuloy na pakikipagkasundo para sa kapayapaan ng Mindanao...

8. Programa sa Rehabilitasyon pagkaraan ng Bagyong Ondoy...

9. Paghirang ng mga tao na ibig ang pagbabago ay mahalaga sa pagkamit ng layunin ng HUDCC upang makapagsagawa ng mga reporma at pangasiwaan ang opisinang ito at iba pang ahensiyang pabahay na higit na maging matulungin, mahusay, at epektibong ahensiya sa paghahatid ng mga serbisyong pabahay sa mga dukhang pamilya...

10. Itatampok namin ang papel ng mga sangkot na tao sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap nila...

No comments:

Post a Comment