Dumalo ang KOSMA (Koalisyon ng mga Organisadong Samahan sa Maynila) sa inagurasyon ng Pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo 30, 2010 sa Quirino Grandstand, Luneta. Alas-sais pa lang ng umaga ay nagsimula nang maglakad ang daan-daang miyembro ng KOSMA na isinusulong ang disenteng pabahay. Nilakad nga mga tao ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Anda Circle hanggang Quirino Grandstand.
Nagsuot ng dilaw ang KOSMA upang ihayag ang suporta sa pangulo. Nakapwesto sa unahan ang mga batang nakadamit anghel na may bitbit pang mga trompeta. Nakakabit sa trompeta ang kanilang mga mensahe para sa Pangulong Aquino - 'Ikaw ang aming pag-asa!', 'Sapat na relokasyon!' at 'Kasiguruhan sa paninirahan!'.
Dala-dala rin ng KOSMA ang mga maliliit na bahay na gawa sa karton. Sinisumbulo nito marahil ang pagkakaisa at "bayanihan" ng mga samahan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan sa bahay at lupa. Tulad ng nakasaad sa isang bandilang kanilang winawagayway, naniniwala ang KOSMA na ang 'Pabahay [ay] posible kay Pangulong Noynoy.'
No comments:
Post a Comment