Blog Archive

Friday, June 25, 2010

LIAC Meeting (June 23, 2010)



Nagsimula na ang pakikipagusap ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) tungkol sa Road Widening Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa R-10 Tondo. Naganap ito noong nakaraang Hunyo 23, 2010 sa opisina ng DPWH sa may Baseco. Isang tagumpay para sa mga tao ang pagtanggap ng gobyerno sa kanilang panukalang magkaroon muna ng sapat na relokasyon bago ang demolisyon. Nilinaw ang mga tungkulin at itinalaga ang mga responsibilidad ng iba’t ibang kasangkot na ahensiya at organisasyon para sa maayos at mapayapang pagpapatupad ng proyekto.


Nagbigay ng suporta ang mga residente ng R-10 at nag-abang ng resulta ng miting sa labas ng DWPH.


Umaasang makakakuha ng karagdagang detalye sa susunod na miting sa darating na Hunyo 29 na gaganapin sa National Housing Authority, Quezon City.

Wednesday, June 23, 2010

Pagbisita kay Noynoy sa Times Street

Binisita ng mga opisyales at ibang kasapi ng Koalition ng mga Organisadong Samahan ng Maynila (KOSMA) ang Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang bahay sa Times Street noong Hunyo 21, 2010.


Hindi nagkaroon ng pagkakataong makaharap ng KOSMA si Pangulong Aquino subalit pinadala ng bagong halal na pangulo ang kanyang staff upang tanggapin ang kanyang mga bisita. Nag-abot rin ang mga guwardiya ni Pangulong Aquino ng mineral water para sa KOSMA.


Hinihingi lang ng staff ni Pangulong Aquino na bigyan muna siya ng sapat na panahon upang gampanan ang tungkulin at tuparin ang mga pangako. Nakatakda ang kanyang pagpapasinaya sa huling araw ng Hunyo sa Quirino Grandstand, Luneta. Inaasahang dadalo ang mga kasapi ng KOSMA sa pagdiriwang na ito.

Bagamat hindi nagpakita ang Pangulong Aquino, naintindihan naman ito ng KOSMA. Sa kabila ng lahat, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa at patuloy pa rin ang kanilang pagtitiwala at pagsusuporta sa bagong halal na Pangulo.

Friday, June 18, 2010

[R-10] Tripping to San Isidro

Pumunta kami sa Brgy. San Isidro, Rodriguez (dating Montalban), Rizal noong Hunyo 10, 2010 kasama ang mga residente ng Road-10, Tondo upang tingnan ang isang alternatibong "relocation site." Ito ay tugon laban sa pagpupumilit ng Manila Urban Settlements Office na ilipat ang mga taga-R-10 sa walang kalaman-laman at napakalayong kabundukan ng Norzagaray. Nag-ambag ang mga residente ng kanilang sariling perang pamasahe at nagdala ng kani-kaniyang baon pananghalian. Kasama rin ng mga residente ng R-10 Tondo ang mga taga-R-10 Navotas.

Ito ang ilang mga larawan:

Siksikan sa dyip

Mga residente ng R-10 Tondo sa Rodriguez, Rizal

Kasalukuyang ginagawang mga bahay

Bahay-pangarap

Malinis na patubig!

Pakikipag-usap ng R-10 Tondo at R-10 Navotas

Murang pabahay!

Masayang mga residente ng R-10 Tondo

Sa pamamagitan ng mga tripping na katulad nito, lalong naisasabuhay ang kanilang karapatang makapamili at magdesisyon para sa kanilang sarili. Lumalawak ang kanilang mga pagpipilian. Isa nanaman itong malaking hakbang para sa kinabukasan ng mga residente ng R-10 Tondo ngunit wala pa ring katiyakan ang kanilang relokasyon. Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin ang laban!

Sipi mula sa Kasunduan sa Maralitang Tagalungsod

Maaaring i-download ang buong kopya ng kasunduang pinirmahan ni Noynoy Aquino sa:

http://www.noynoy.ph/v3/downloads/covenant-tagalog.pdf

---

KASUNDUAN SA MARALITANG TAGALUNGSOD

Pinakamahalagang yaman ng ating bansa ang mga mamamayan nito. Bawat Filipino ay may karapatang matamo ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, ang disenteng pamantayan ng pamumuhay, at ang patas na oportunidad upang mapaunlad nang ganap ang kaniyang mga kakayahan. Sa modernong ekonomiya, bawat tao ay dapat maging produktibong mamamayang makapag-aambag sa abot ng kaniyang makakaya para sa pagpapalago ng bansa. Gayunman, ipinagkakait ng kahirapan sa maraming Filipino ang kanilang mga batayang pangangailangan at oportunidad para maiangat ang kabuhayan at makatulong sa pagtataguyod ng kabansaan. Pangunahing sanhi ang masamang pamamalakad at korupsiyon na pawang humahadlang sa kaunlaran at paglago. Bilang mga kandidato para sa serbisyo publiko, nangangako kami na magtatatag ng makatarungang lipunan para sa lahat ng Filipino. Mahigpit naming lilinisin ang ating pamahalaan mula sa anumang korupsiyon at ililihis ang mga nasinop na yaman sa pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng ating mga mamamayan, lalo na ang mga dukha at sawimpalad. Isasakatuparan namin ang mga likas-kayang solusyon sa pamamagitan ng mga patakarang isinailalim sa institusyon upang malabanan ang kahirapan at matugunan ang mga batayang pangangailangan, kabilang na ang pabahay, kalusugan, edukasyon, at trabaho para sa mga maralita, imbes na gumawa lamang ng mga panapal at hungkag na hakbang na pawang umiral noon at magpahangga ngayon.

Magtataya kami para makamit ang mga sumusunod na layunin at prinsipyo:

1. Walang pagpapatalsik kung walang disenteng relokasyon...

2. Maglaan ng suporta para sa pagpapahusay ng pook at paglilipat-tirahan sa loob ng lungsod...

3. Maghahatid ng mga batayang serbisyo na pakikinabangan ng mga maralitang komunidad...

4. Magkaroon ng pamahalaang makapagbibigay ng sapat na pabahay sa bawat Filipino at pangangalagaan ang kanilang mga karapatan sa pabahay...

5. Malawakang pagawaing-bayang programa na makalilikha ng maraming trabaho para sa mga dukhang mamamayan...

6. Pinalakas na kooperasyon sa mga pamahalaang lokal...

7. Tuloy-tuloy na pakikipagkasundo para sa kapayapaan ng Mindanao...

8. Programa sa Rehabilitasyon pagkaraan ng Bagyong Ondoy...

9. Paghirang ng mga tao na ibig ang pagbabago ay mahalaga sa pagkamit ng layunin ng HUDCC upang makapagsagawa ng mga reporma at pangasiwaan ang opisinang ito at iba pang ahensiyang pabahay na higit na maging matulungin, mahusay, at epektibong ahensiya sa paghahatid ng mga serbisyong pabahay sa mga dukhang pamilya...

10. Itatampok namin ang papel ng mga sangkot na tao sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap nila...

Thursday, June 17, 2010

On Evictions

There should be no violence. No one should use violence. There should be no intimidation, no use of arms. We will obey, but we don't want to be forced or subjected to violence. If government evicts it must prepare relocation sites. This is what we say: the site is prepared when there are houses, roads, light, water, schools for the children, and travel to work must be easy.

-Cardinal Gaudencio B. Rosales
Homily to the Urban Poor
December 30, 2007

R-10 Navotas Demolition

Nademolish na ang mga bahay ng mga residente ng R-10 Navotas noong Enero 19, 2010 para sa Road Widening Project ng DPWH. Pinilit ng gobyernong tanggapin na lang ng mga residente ang pera at inialok ang Norzagaray, Bulacan bilang bagong malilipatan. Tinanggihan ito ng mga tao sapagkat walang kabuhayan, walang batayang serbisyo (kuryente, tubig, bahay, kalsada, paaralan, ospital, etc.) at higit sa lahat, malayo sa kanilang hanapbuhay! Bukod pa dito, alam ng mga residenteng nakipaglaban na hindi basta-basta nabibili ang karapatan sa lupa at bahay.

Mula sa Youtube account ni katarungan2010:


Matapos ang demolisyon, hindi pa rin sumuko ang mga taga-R-10 Navotas at nagkampo pa sila ng ilang linggo sa harap ng DPWH at pati na rin sa NHA upang iparinig ang kanilang hinaing na magkaroon ng maayos na relokasyon. Hindi naging madali ang laban. Kinalaunan, naipanalo nila ang isang disenteng relokasyon sa Montalban, Rizal.

Wednesday, June 16, 2010

Urban Settlements Office

Binisita namin ang Urban Settlements Office sa Manila City Hall noong Hunyo 9, 2010 upang maiparinig ang hinaing ng mga Koalition ng mga Organisadong Samahan ng Manila (KOSMA).

"Ambush dialogue" ng KOSMA


Victoria Clavel ng Urban Settlements Office

Pinipilit ni Victoria Clavel na tanggapin na lang ng mga residente ang "relocation money" at lumipat sa Norzagaray, Bulacan. Kung ayaw daw lumipat, "enjoyin na lang ang pera" ani ni Clavel. Sa kabila nito, buo pa rin ang desisyon ng mga tao na tanggihan ang pera at malipat sa mas maayos na lugar.

[R-10] Proposed Schedule of Activities

(as of June 15, 2010)
Meeting held at DPWH NCR Field Office, Tondo, Manila

Jun 23, 2010 - LIAC Meeting and Action Planning (LIAC)
Jul 01, 2010 - Census and Tagging Validation (LIAC)
Jul 01, 2010 - Fund Sourcing (DPWH, NHA, OP)
Jul 2010 - Final List of Qualified/Disqualified Families (NHA)
Jul 2010 - Identification of Resettlement Site (NHA)
Aug 2010 - Pre-relocation Activities (Inter-Agency)
Sep 2010 - Relocation Activities (Inter-Agency)
Oct 2010 - Commencement of Civil Works (DPWH)

Thursday, June 10, 2010

[R-10] Tripping to Langkiwa


Pumunta kami sa Brgy. Langkiwa, Binan, Laguna noong Hunyo 10, 2010 kasama ang mga residente ng Road-10, Tondo upang tingnan ang isang alternatibong "relocation site." Ito ay tugon laban sa pagpupumilit ng Manila Urban Settlements Office na ilipat ang mga taga-R-10 sa walang kalaman-laman at napakalayong kabundukan ng Norzagaray. Nag-ambag ang mga residente ng kanilang sariling perang pamasahe at nagdala ng kani-kaniyang baon pananghalian.

Ito ang ilang mga larawan:


Bago umalis patungong Langkiwa


Siksikan sa dyip


Pagdating sa Langkiwa


Mga taga-R-10 na sumisilip sa mga bahay


Itinatayong paaralan


Mga residente ng R-10, Tondo


Nakapanayam ng mga residente ng R-10 ang ilang pamilyang nagmula sa Estero dela Reyna. Ibinahagi ng mga taga-Estero dela Reyna ang kanilang pakikibaka. Katulad ng kasalukuyang hinaharap mga taga-R-10, lumaban din ang mga taga-Estero dela Reyna sa banta ng demolisyon at nagtagumpay.